Saturday, December 17, 2005

Happy Holidays!


Best wishes
Meilleurs voeux
Tanti auguri
Maligayang bati
Omedeto gozaimasu

U.S. Grand Tour - October 2005









Host Students - 2005

















1. Vincent and Michael - American University
2. Francine and Allison - Georgia Tech
3. Funsho - American University

Ang kabataan ay kaligayahan ng mga matatanda



Sa tabing-dagat ng Riviera Adriatica, Italia - Tag-init ng 2004


Mahal kong kaibigan,

Kung sa atin ay kusa akong iniiwasan ng ating kalahi, dito ay talagang dinudumog at pinanggigigilan pa ako ng mga puti! Pakipindut ang larawan na kalakip dito.Ito ay isang maliit lamang na bahagi ng mga kabataan na binasahan ko ng palad sa tabing dagat ng Riviera Adriatica sa Italia noong nakaraang buwan dahil sa ang mga iba nilang kasamahan ay nagsibatan na dahil sa mukhang natakot sila na baka hindi tumalab ang aking hinula. Hangang-hanga at takang-taka pa sila kung papaano ko natuklasan o nalaman ang mga naranasan at pinagdaanan nila sa kani-kanilang buhay. Ipinaliwanag ko nang maigsi at mabilisan na ang kapalaran ay nakikita na sa mga guhit na makakapal at mahahaba ng palad at ang mga darating na pagbabago ay doon sa mga maninipis at maliliit at sinabi ko pa rin na hindi ko kailanman maaaring mapaninindigan ang pagbabasa ng kinabukasan sapagkat nais ko na maranasan naman nila ang tunay na kahulugan ng kaligayahan at kalungkutan sa buhay. Maraming-marami din naman sa mga dati kong nakilala ang bumabalik upang magpabasa uli nang panibago dahil sa ipinagkatiwala nila na nagkatotoo ang mga hinula ko sa kanila noong mga nakaraang taon. Sa katunayan, kapag dumadating ako sa tabing-dagat ay mayroon nang kumakaway at tumatawag sa akin. Kaya mula noon ay naging tanyag na akong “tourist attraction” doon tuwing tag-init. Anong laking karangalan na kahit papaano ay kinikilala naman nila ang aking hamak na katangihan.

Sa aking karanasan ay mahigit pa ang kanilang pagtingin at paggalang sa mga nagawa ko kaysa sa ating mga kababayan. Aywan ko lamang kung talagang katutubo na sa ating mga kabalat ang mag-inggitan at magsiraan sa halip na magkaisahan at magbigayan upang pumayapa at umunlad naman ang ating bayan. Kailanman ay wala na akong balak na bumalik sa atin sapagkat lubusan ang aking kaligayahan na manatili at manirahan dito. Ngayon na tinigilan ko ang maghanapbuhay at tumatanggap na ng tulong-pambuhay sa kasalukuyan ay sinasamantala ko nang lubusan ang mabuhay nang mapayapa at masaya. Katulad ng ibon, ako ay malayang-malaya na maglakbay at magpakasasa sa kasarapan sa buhay kahit na saan-saan ako mapadpad ng walang inaalala kung gaano kalapit o kalayo ang aking pupuntahan habang ako’y malakas at malusog pa sapagkat ang mundo ay nakaladlad na kaagad sa harapan ko sa sandali na buksan ko ang pinto ng bahay ko. Ang puso at diwa ko ay biglang nagniningning sa galak habang pinagmamasdan ko ang mga tao ng iba’t ibang lahi na naglalakad at ang mga tanawin na kaakit-akit sa paligid-ligid.

Hindi naman sa pangmamalaki, kahit na ba ako’y mahigit na ng 60 maroon pa ring mga kabataan ang naaakit sa akin. Anong pagkagaganda at pagkababait nila doon sa Italya at ang sasarap pa na pagpipindutin at hipu-hipuin ang kanilang kamay. Ako’y talagang patay na patay kapag hinahawakan at kinikilatis ko sila nang patago ang aking panggigigil habang nakapatong ang aking kamay sa kanilang hita at binabasa ko ang kanilang palad nang paunti-unti upang tumatagal-tagal naman ang kaligayahan kong patago na nararamdaman ko sa kailalim-laliman ng aking budhi. Kung tutuusin ay katulad ko ba ang nagmamahala ng isang “casting agency” sa Hollywood sa pagpipili ng mga gaganap sa bagong palabas ng Baywatch. Ang pakiramdam ko ay para bang ako’y lumulutang nang patuwad sa ika-pitong langit at nangangarap ng walang katapusan!

Subalit, malaki pa rin ang aking panghihinayang noong nakaraang buwan sapagkat hindi ko man lamang pinagbigyan ang hiling noong isang kasamahan nilang babae na ibig magpahilot ng kaniyang balikat dahil sa nagkasunud-sunod ba ang mga bagong nagdatingan na nais magpabasa hanggang sa nagsiuwian yoong mga nakatapos na. Kung maaari ko lamang na pagdalawahin ang aking sarili sa mga sandaling iyon ay malamang na nahilot ko pa siya. Iniisip-isip ko ngayon na kung sakali lamang na nakasama kita ay tiyak na naghatian tayo upang mapagbigyan silang lahat nang isa-isa. Naku sa dami po nila ay baka na nagkandaduling at nagkandaluka-loka ka pa nang hindi oras!

Isang beses ba naman noong nakarang sampung taon, may isang Olandesang blond na topless pa ang nagpahula at kasama pa ang kaniyang bata at ilang kaibigan. Talagang saksakan na sexy siya at talo pa niya si Pamela Andereson sa kalakihan ng kaniyang dibdib na para bang kalabasa na kusa bang nahinog sa init na araw at halos umabot sa kaniyang hita kapag siya ay nakasalampak dahil yata sa bigat. Ako’y nanghina nang husto at kamuntik pa akong himatayin kung hindi lamang ako inalalayan ng kaniyang bata. Hindi ko pa tuloy malaman kung saan ko ipapatong ang aking kamay upang mahulan ko siya nang maigi na walang sagabal. Kahit na ba ako’y nataranta at nagkandalitu-lito sa umpisa ay naaliw ko pa rin silang lahat nang lubusan sa banding huli. Inaasahan ko na sa aking pagbalik sa ika-10 nitong buwan ay marami pa ring bagong mukha ang matutuklasan ko at iba’t ibang kamay ang mapipindot at masasalat ko na naman. Mga kabataan, hintayin ninyo ako!

Mahilig ka bang kumilatis ng bola (crystal ball gazing!) o kaya magbunot ng balahibo ng iba’t ibang kulay? Hindi na ako magdadalawang isipan at isasama kita sa susunod na tag-init at magwawala tayong talaga nang lubusan. Makikita mo na hindi natin paliligtasin silang lahat kahit pa bang pilitin nila ang pumasok sa butas ng karayom ay titiyakin natin na magdadaan at lalagpak pa rin sila sa ating mga kamay nang isa-isa! Wala talagang patawad, anong say mo?

Kumusta ka na ba? Saang banda ka ba nakatira sa kasalukuyan? Pakibalitaan mo naman ako tungkol sa iyong kabuhayan at kalagayahan. Huwag ka sanang madadala na sulutan ako lagi. Hanggang sa susunod.

Ang sumasaiyo

PS. Kailanman ay huwag mong pakakawalan ang iyong mga gintong kapalaran. Magpakasigasig ka at pagsamantalahan mo ang iyong pagkakataon na mag-aliw at magpakasarap nang lubusan habang ikaw ay nasa ibang bansa sapagkat baka ka lamang magsisisi sa bandang huli kapag ikaw ay tumanda at bumalik na sa ating bayan.

Reunion with Dean Ruben Eugenio in Los Angeles - 14 October 2005

Image hosting by Photobucket
To My Alma Mater With Love
(excerpts from Homecoming 1997)

There was a certain feeling of déjà-vu as I passed through the gates of my alma mater. It seemed like time had abruptly stopped as I looked around the campus that it propelled me back from the moment when I first enrolled in the School of Foreign Service in 1963 until I graduated in 1967, sin laude. Having experienced some vicissitudes of those unproductive years wandering from one vocational course to another after I finished high school in order to find which one would help to get me started professionally; I was always haunted with the thought of my future without a university degree. Although the common belief that the prestige and quality of the academic institution weighed much as a professional reference in obtaining a decent job, I rationalized that it was more on the criteria of the student’s intellectual capacity and ability what really counted.

University of Manila (U.M.) was not among the top in my list, but it was a compromise for its proximity from where I worked and its accessibility by foot during the late afternoon rush. I was having second thoughts on my choice the day I presented myself before the enrolment committee at the hall of the administration building. I felt a knot in my stomach and couldn’t make up my mind. As I was about to abort, I accidentally came face to face with Dean Eugenio whose opening words “may I help you young man” did the trick. He must have sensed my tormented condition, but his kind and sympathetic approach suddenly eased the tension. He spontaneously took time and helped laid out my schedule of courses for the semester.

From then on, U.M. became a sanctuary during those long and intervening soul-searching years after I left high school. I could hardly forget the sound of laughter that still echoed along the corridors. Somehow, there was a strong feeling of longing for the past that left me with a trace of melancholy as soon as the present crept in. How I wished so much that I could bring those moments back and relive them over and over again, only to discover how I was missing my alma mater all the same. I think it’s selfish and unfair on my part to ignore and forsake her now that I’ve already realized my dream and succeeded in my life. She turned a scholar out of me, and I turned out three in return! It would, therefore, be fitting to giver her due credit, wouldn’t it?