Kahit ano mang hirap at sakit ang dinaranas niyo sa kasaluyan ay makakamtan niyo pa rin ang ano mang hangarin o layunin niyo sa buhay.
Ako ay lumaki sa hirap at dusa nang pumanaw nang maaga ang aking ama noong ako pa ay nasa huling taon ng mababang paaralan. Sa maliit na kita ng aking ina bilang isang guro sa mababang paaralan ay naitaguyod niya kaming anim na anak. Subalit pagkatapos ng mataas na paaralan ay hindi ako nakapagpatuloy sa pamantasan. Ako ay nagaral ng shorthand-typing sa isang halos na libreng vocational school nang isang taon upang makahanap ako kaagad ng hanapbuhay. Ako ay nagsimula bilang messenger at nanatili akong bilang clerk ng tatlong taon bago ko naisipan na magpatuloy ng aking pag-aaral sa pamantasan na tinapos ko nang apat na taon habang ako ay kumakayod sa araw at masigasisg na nagaaral sa gabi. Sa bandang huli ay mapalad akong maipasa at maipadala sa Pransiya bilang scholar.
Kung ang tangi niyong hangarin ay magkaroon ng magaganda at matatalinong anak, dapat kayong magsikap at magtiyaga nang matindi sa buhay kahit anong dusa at kahirapan ang dinaranas niyo ngayon. Ito ang sinapit ko bago ko maipasa at makamtan ang scholarship sa Pransiya kung saan ko natagpuan at nakilala ang naging kabiyak ko sa buhay.
Kami ay nagkaroon ng tatlong anak, dalawang lalaki at isang babae. Sila ay magaganda at matatalino sapagkat silang tatlo ay nakatapos ng engineering at may mahusay at maigi na pamumuhay.
Read more : How I Met My Wife https://www.blogger.com/blog/post/edit/19133557/8833600298442343117






