Sa tabing-dagat ng Riviera Adriatica, Italia - Tag-init ng 2004
Mahal kong kaibigan,
Sa aking karanasan ay mahigit pa ang kanilang pagtingin at paggalang sa mga nagawa ko kaysa sa ating mga kababayan. Aywan ko lamang kung talagang katutubo na sa ating mga kabalat ang mag-inggitan at magsiraan sa halip na magkaisahan at magbigayan upang pumayapa at umunlad naman ang ating bayan. Kailanman ay wala na akong balak na bumalik sa atin sapagkat lubusan ang aking kaligayahan na manatili at manirahan dito. Ngayon na tinigilan ko ang maghanapbuhay at tumatanggap na ng tulong-pambuhay sa kasalukuyan ay sinasamantala ko nang lubusan ang mabuhay nang mapayapa at masaya. Katulad ng ibon, ako ay malayang-malaya na maglakbay at magpakasasa sa kasarapan sa buhay kahit na saan-saan ako mapadpad ng walang inaalala kung gaano kalapit o kalayo ang aking pupuntahan habang ako’y malakas at malusog pa sapagkat ang mundo ay nakaladlad na kaagad sa harapan ko sa sandali na buksan ko ang pinto ng bahay ko. Ang puso at diwa ko ay biglang nagniningning sa galak habang pinagmamasdan ko ang mga tao ng iba’t ibang lahi na naglalakad at ang mga tanawin na kaakit-akit sa paligid-ligid.
Hindi naman sa pangmamalaki, kahit na ba ako’y mahigit na ng 60 maroon pa ring mga kabataan ang naaakit sa akin. Anong pagkagaganda at pagkababait nila doon sa Italya at ang sasarap pa na pagpipindutin at hipu-hipuin ang kanilang kamay. Ako’y talagang patay na patay kapag hinahawakan at kinikilatis ko sila nang patago ang aking panggigigil habang nakapatong ang aking kamay sa kanilang hita at binabasa ko ang kanilang palad nang paunti-unti upang tumatagal-tagal naman ang kaligayahan kong patago na nararamdaman ko sa kailalim-laliman ng aking budhi. Kung tutuusin ay katulad ko ba ang nagmamahala ng isang “casting agency” sa Hollywood sa pagpipili ng mga gaganap sa bagong palabas ng Baywatch. Ang pakiramdam ko ay para bang ako’y lumulutang nang patuwad sa ika-pitong langit at nangangarap ng walang katapusan!
Subalit, malaki pa rin ang aking panghihinayang noong nakaraang buwan sapagkat hindi ko man lamang pinagbigyan ang hiling noong isang kasamahan nilang babae na ibig magpahilot ng kaniyang balikat dahil sa nagkasunud-sunod ba ang mga bagong nagdatingan na nais magpabasa hanggang sa nagsiuwian yoong mga nakatapos na. Kung maaari ko lamang na pagdalawahin ang aking sarili sa mga sandaling iyon ay malamang na nahilot ko pa siya. Iniisip-isip ko ngayon na kung sakali lamang na nakasama kita ay tiyak na naghatian tayo upang mapagbigyan silang lahat nang isa-isa. Naku sa dami po nila ay baka na nagkandaduling at nagkandaluka-loka ka pa nang hindi oras!
Isang beses ba naman noong nakarang sampung taon, may isang Olandesang blond na topless pa ang nagpahula at kasama pa ang kaniyang bata at ilang kaibigan. Talagang saksakan na sexy siya at talo pa niya si Pamela Andereson sa kalakihan ng kaniyang dibdib na para bang kalabasa na kusa bang nahinog sa init na araw at halos umabot sa kaniyang hita kapag siya ay nakasalampak dahil yata sa bigat. Ako’y nanghina nang husto at kamuntik pa akong himatayin kung hindi lamang ako inalalayan ng kaniyang bata. Hindi ko pa tuloy malaman kung saan ko ipapatong ang aking kamay upang mahulan ko siya nang maigi na walang sagabal. Kahit na ba ako’y nataranta at nagkandalitu-lito sa umpisa ay naaliw ko pa rin silang lahat nang lubusan sa banding huli. Inaasahan ko na sa aking pagbalik sa ika-10 nitong buwan ay marami pa ring bagong mukha ang matutuklasan ko at iba’t ibang kamay ang mapipindot at masasalat ko na naman. Mga kabataan, hintayin ninyo ako!
Mahilig ka bang kumilatis ng bola (crystal ball gazing!) o kaya magbunot ng balahibo ng iba’t ibang kulay? Hindi na ako magdadalawang isipan at isasama kita sa susunod na tag-init at magwawala tayong talaga nang lubusan. Makikita mo na hindi natin paliligtasin silang lahat kahit pa bang pilitin nila ang pumasok sa butas ng karayom ay titiyakin natin na magdadaan at lalagpak pa rin sila sa ating mga kamay nang isa-isa! Wala talagang patawad, anong say mo?
Kumusta ka na ba? Saang banda ka ba nakatira sa kasalukuyan? Pakibalitaan mo naman ako tungkol sa iyong kabuhayan at kalagayahan. Huwag ka sanang madadala na sulutan ako lagi. Hanggang sa susunod.
Ang sumasaiyo
PS. Kailanman ay huwag mong pakakawalan ang iyong mga gintong kapalaran. Magpakasigasig ka at pagsamantalahan mo ang iyong pagkakataon na mag-aliw at magpakasarap nang lubusan habang ikaw ay nasa ibang bansa sapagkat baka ka lamang magsisisi sa bandang huli kapag ikaw ay tumanda at bumalik na sa ating bayan.
No comments:
Post a Comment