Tuesday, February 03, 2026

LESS FRICTION, MORE ACTION: SYSTEM UPGRADE NA! BURAHIN ANG LABO SA KONSTITUSYON PARA SA TUNAY NA SERBISYO!

LESS FRICTION, MORE ACTION: SYSTEM UPGRADE NA! BURAHIN ANG LABO SA KONSTITUSYON PARA SA TUNAY NA SERBISYO!
BY: Moderator Kina
Hindi naman mali na bigyang-kahulugan ng Supreme Court ang Constitution dahil 'yan talaga ang kanilang tungkulin. Kahit pa medj di natin bet ang latest decision nila sa impeachment.
Ang real issue dito ay 'yung mismong Saligang Batas natin na kulang sa linaw sa mga bagay na dapat sana ay tahasang nakasaad na. Masyadong maraming grey areas sa ating 1987 Constitution, gaya ng mga rules sa impeachment, one-year rule, at mga takdang panahon na hindi malinaw na itinakda.
Sa sobrang daming butas sa Constitution, nabibigyan ng pagkakataon ang hudikatura na diktahan ang mga prosesong dapat ay malinaw na. As is kung baga. Imbes na sundin ang simpleng rules, napipilitan tayong sumandal sa mga desisyong hudisyal na madalas ay nagiging mitsa pa ng friction sa gobyerno at kalituhan sa taumbayan.
Ang Charter Change ay hindi pag-atake sa hudikatura; ito ay isang proactive move para patatagin ang buong sistema sa pamamagitan ng pagbawas ng kalabuan. Para matigil na din yung mga taong kahit simpleng 'forthwith' lang, isinumbong pa sa Supreme Court. Kaloka!
Sa ilalim ng Marcos administration, ang goal ng repormang konstitusyonal ay gawing "black and white" ang mga alituntunin para hindi na kailangang punan ng interpretation ang mga pagkukulang ng Saligang Batas. Transparency at stability ang priority natin dito para masiguradong ang bawat desisyon ay base sa malinaw na rules.
Sa halip na hayaang laging "under maintenance" ang ating system dahil sa friction sa pagitan ng mga institution, mas mabuting ayusin na natin ang root cause. Kapag malinaw ang boundaries at rules, mas protektado ang interest ng bawat Pilipino at hindi na mag-o-overtime ang judiciary sa pag-fill in ng mga blanks.
Ang Charter Change ay ang kailangang "Glow-up" at "Big Reset" upang maging mas efficient, mabilis, at hindi "loading" ang takbo ng ating demokrasya sa Bagong Pilipinas.

No comments: