Thursday, September 09, 2021

Yung dapang dapa ka na subalit nakuha mo pa ding bumangon at mamunga

  • Sa lahat ng motivations na nabasa ko, ito lang talaga ang aking nagustuhan. \"Yung dapang dapa ka na subalit nakuha mo pa ding bumangon at mamunga.

Nadapa. Nagkamali. Nabaon sa utang. Na reject. Pinanghinaan ng loob.

Hindi dahilan ang pagkakadapa upang sumuko, bagkus gawin mong dahilan para bumangon.

Hindi rin dahilan ang pagkakamali upang sumubok muli, bagkus gawin mong dahilan para sumubok pa ng maraming beses.

Nabaon sa utang? Yes, huwag gawin dahilan ang pagkakabaon mo sa utang upang hindi na ituloy ang iyong mga pangarap. Bagkus, gawin mo itong dahilan  upang umahon at maabot ang iyong mga pinapangarap.

Nag fail ka man ngayon ay okey lang \"yun. Huwag kang panghihinaan ng loob. Ang failures ay di opposite ng success kundi failures are parts your of success dahil diyan ka nagsimulang matuto kung paano magsikap at abutin ang iyong mga hinahangad na makamit sa buhay. Laban lang.

Na-reject ka dahil sa pangarap mo? Kapatid, tuloy tuloy lang kahit maraming beses kang na-reject. Ngayon ka pa ba susuko? Tuloy lang dahil ang pangarap gaano man kahirap, gaano man kalayo sa inaakala mo, ang pangarap ay matutupad ipaglaban mo lamang.

Kahit nadapa ka, sikapin mong bumangon at darating ang araw na magbubunga ang iyong mga pagsisikap. Sa panahon na mamunga ka, magiging kuwento na lamang ang lahat ng hirap na iyong dinanas.

At sa iyong pagbangon ay magiging tuwid ang iyong mga hakbang sa pagtahak sa landas tungo sa iyong tagumpay.

#cttoCopyPasted

No comments: